Pre-trial at arraignment ni Maria Ressa, reset sa Marso 12

Share this information:

Hindi natuloy ang itinakdang pre-trial at arraignment sa kasong cyber libel na kinakaharap ni Maria Angelica Ressa o mas kilala bilang Maria Ressa, ang CEO ng online platform na Rappler matapos itong kanselahin  ni Manila RTC Branch 24 Judge Maria Victoria Soriano -Villadolid.

Sa halip ay muling itinakda ni Judge Soriano-Villadolid ang arraignment and pre-trial sa kaso ng mga akusado sa Marso 12, alas-8:30 ng umaga dahil na rin sa kahilingan ang kampo ni Ressa na idismis ang kaso o motion to quash, na hindi pa natatanggap ng tagausig o prosekusyon ang kopya ng naturang mosyon.

Pinagbigyan naman  ng  hukom ang hiling ng prosekusyon na makapagsumite ng komento sa motion to quash ng kampo ni Ressa.

Kasama ni Ressa  na ipinagharap ng cyber libel ang reporter na si Rafael Maya Talabong, o Rambo Talabong.

Ayon kay Atty. Raul Dela Cruz, ang Clerk of Court ng Manila RTC Branch 24, sampung araw ang ibinigay ng husgado upang isumite ng prosekusyon ang paliwanag sa mosyon ni Ressa.

Pasado alas-8:30 kanina nang dumating sa sala ang mga respondent kasama ang legal counsel na si Atty. Theodore Te.

Dahil sa naturang kahilingan, tumagal lamang ng halos sampung minuto ang pagdinig na tinapos upang mabigyan ng sapat na panahon ang prosekusyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

P362-M to boost genome sequencing efforts

Thu Feb 4 , 2021
The government has allocated funds to ramp up its bid to check and contain the spread of the far more contagious mutated coronavirus strain. In a televised public briefing, Cabinet Secretary Karlo Nogralez said that the government is dead serious in addressing the possible mutation of the virus from Wuhan, […]

Follow Us

%d bloggers like this: