Bagong Napolcom Chief Aguirre, nais bawiin ang pagpili ng LGU sa mga nais iluklok na police officials

Share this information:

NAIS nang bawiin ni National Police Commission (Napolcom) Vice Chairman Vitaliano Aguirre mula sa mga lokal na opisyal ang kapangyarihan na makapamili ng mga nais nilang maging hepe ng pulisya sa kani-kanilang lalawigan o bayan.

Ayon kay Aguirre, nagagamit lamang sa pamumulitika o kundi man ay “nalalason” ng alkalde o gobernador ang kaisipan ng hepe at provincial director ng kapulisan sa kanilang nasasakupan.

Giit pa ng bagong Napolcom chief, sa pagpili ng mga gobernador at alkalde sa listahan ng nais nilang iluklok para maging chief of police maging ang provincial police director ay nagbibigay pa ng pressure sa buong pambansang pulisya.

“This is one of the political pressures that politicians exert on the PNP. This practice is not good for the PNP because this would turn police officials to sycophants,” pahayag ni Aguirre.

Matagal na rin nais ng pambansang pulisya na mawala ang naturang polisiya sa katuwiran naman na nagiging ugat ito ng katiwalian at nalalagay din sa alanganin na sitwasyon ang lokal na pulisya.

Ngunit maging sa pagsusumite ng tatlong pangalan na pagpipilian ay napapagdudahan din dahil sa ‘padrino system.’

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.