PNP Chief Azurin, tampok na panauhin sa ika-122 anibersaryo ng MPD

PINANGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin ang pagdiriwang at wreath-laying ceremony kaugnay pagdiriwang ng ika-122 taong anibersaryo ng Manila Police District (MPD) ngayong araw, Pebrero 21, 2023.

Sa pangunguna ni MPD Director P/Brig. General Andre Dizon, ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan din ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Nag-alay naman ng bulaklak si Dizon sa emblem ng MPD bilang bahagi ng nasabing pagdiriwang ng anibersaryo nito, gayundin sina Lacuna at Azurin.

Ang MPD na dating unang tinawag na Western Police District o WPD ay ang kauna-unahang police district sa Pilipinas.

Sa pagdiriwang ng anibersaryo ng MPD, pinagnilayan din ang kadakilaan ng bawat bayaning nag-alay ng kanilang buhay sa ngalan ng serbisyo para makamit ang kalayaan.

Ilang mga opisyal din ang nakibahagi sa selebrasyon ng MPD at nagbigay respeto sa pamamagitan ng pagsaludo sa emblem ng Manila Police District.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.