Honorarium ng poll workers, planong dagdagan ng Comelec

NAIS ng Commission on Elections (Comelec) na itaas ang honorarium ng mga poll workers hanggang P10,000.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang pagtaas ng kanilang honorarium ay magsisimula sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Ayon kay Garcia, gagawa ang Comelec ng paraan upang maging P10,000, P9,000, P8,000 ang matatanggap ng mga poll workers sa araw ng halalan.

Paliwanag ni Garcia, ang planong madagdagan ang honorarium ng mga manggagawa sa halalan ay dahil sa manual idadaos ang botohan.

Ang karaniwang natatanggap ng mga poll workers tuwing botohan ay P6,000 sa chairman, P5,000 sa members at P4,000 sa nagtatrabaho sa presinto.

Sinabi ni Garcia na isa sa mga dahilan ng posibleng pagtaas ay dahil maliit na halaga na lamang ang matitira sa mga poll workers dahil sa buwis.

Samantala, magdadaos ang Comelec ng mock automated election sa Hunyo para sa 2023 BSKE, ayon pa kay Garcia.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.