6 sanggol patay sa COVID-19 sa Bicol Region

UMAKYAT na sa anim ang bilang ng mga sanggol na nasawi sa Bicol Region dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa datos na ipinalabas ng Department of Health Center for Development ng Bicol, pinakabata sa mga namatay na beybi ay isang buwan pa lamang.

Naitala sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Masbate, at Sorsogon ang mga kaso ng pagkamatay ng mga sanggol ng dahil sa COVID-19.

Batay sa pinakahuling ulat ng DOH-Bicol, umaabot na sa 30,630 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon. Sa nasabing bilang 7,511 ang aktibo o nagpapagaling habang 22,104 ang recoveries.

Aabot naman sa 1,015 ang mga kumpirmadong namatay sa COVID-19 sa Bicol Region.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.