PCG website, ligtas sa kabila ng tangka ng “hacking”–PCG chief

Share this information:

“LIGTAS ang website ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kabila ng banta ng hacking.”

Ito ang tiniyak ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo kung saan pinangunahan nito ang imbestigasyon sa napabalitang insidente ng “hacking” matapos ipagbigay-alam ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ahensya ang tungkol sa umano’y tangkang pagpapabagsak sa website.

A DICT personnel inquired last month if we monitored any attempt to hack our website, but so far, we have not monitored anything. Our website remains secure,” sabi ni Balilo . 

Inatasan na rin ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, ang Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) na patuloy na makipag-ugnayan sa DICT at maging mapagmatyag.

We will ensure that the website is secure, that there is enough firewall to prevent it from being infiltrated by hackers,” pagtitiyak pa ni Balilo.

While the website is for public consumption, we do not want hackers polluting our site with fake news and making it appear that we authored the spread of falsehoods. We must also protect the site from computer viruses,” saad pa ng PCG official.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.