HINDI ipinagkaila ng ilang health professionals na malaki ang naging epekto ng pandemya sa pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit na prostate sa mga kalalakihan.
Ayon kay Dr. Vanessa Geron ng Philippine Urological Association (PUA), ang pandemya ang itinuturong dahilan kung kaya maraming nakitang cancers na nasa advanced stage na, lalo na sa mga nakatatanda dahil sa ipinatupad na restrictions.
Sa huling datos noong 2020 na kasagsagan ng COVID-19 pandemic, umabot sa 1.4 milyon ang bagong kaso ng prostate cancer sa buong mundo.
“Because of the pandemic, marami tayong nakita na cancers na advanced stage kasi syempre yung ating mga elderly, sila yung mga huling pinayagan na lumabas at syempre madami din sa kanila hindi makapunta sa ospital mag-isa, kailangan may kasama and you know naman the restrictions during those times,” pahayag ni Geron.
“Prostate cancer is the third most common cancer type among men in the Philippines,next to lung and colorectum cancers. Risk for this chronic disease increases with age so early detection is the key to preventing it.”
Paliwanag ni Dr. Geron, posibleng magkaroon ng prostate ng isang lalaki sa edad pa lamang ng 40 kung ito ay may kamag-anak na may prostate cancer dahil ito ay namamana kaya dapat lamang na mas maaga silang sumailalim sa screening.
“Pero halimbawa ang isang lalaki ay wala namang kamag-anak na may prostate cancer, you can start the screening at 50 years old — mas maaga lang yung may kamag-anak na may prostate cancer,” pahayag ni Dr. Geron sa huling araw ng isang health and wellness expo na ginanap sa bansa.
Hinimok dine ni Dr. Geron ang mga kalalakihan na maagang magpasuri o magpa-screen upang agad na maagapan. Aniya kapag may diagnosis na kasi ay mas mahirap ng gamutin.
Isa aniya sa problema sa mga kalalakihan na may prostate ay walang mararamdamang sintomas maliban na lamang kapag nasa stages na.
“Marami nada-diagnose kasi pinu-push talaga namin yung awareness kasi nga malaki siyang health problem kung naging stage 3…stage 4 kaya the earlier the better,” paliwanag ni Geron.
Payo din ni Dr. Geron sa mga kalalakihan na agad magpa screen kapag nakakaranas ng pananakit ng balakang, minsan nagkaka-fracture, hirap sa pag-ihi o kaya may dugo sa ihi, nangangahulugan na ito ay sintomas na ng “late stage.”
“Gusto natin makuha siya at (an) ‘early stage ‘ which is walang nararamdaman – inuulit ko lalabas ang sintomas when it’s late in the disease, kaya wala tayong panlaban dun but to do a rectal exam and the blood test.”