Breaking News

Share this information:

INIHAYAG ni Department of Health (DOH) Usec Maria Rosario Vergeire na patuloy na pinag-uusapan ng mga eksperto at mga ahensya ng gobyerno ang pagpapaikli sa 14 na araw na quarantine sa mga balikbayan at mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ayon kay Vergeire, bukas naman ang gobyerno sa  mga mungkahi para sa mga balikbayan na nakatanggap na ng kumpletong bakuna sa ibang bansa.

Aniya, nagsisimula pa lamang na mapabilis ng bansa ang pagbabakuna laban sa COVID-19 kaya kailangan pa itong pag-aralang mabuti.

Kung ikukumpara aniya ito sa Estados Unidos na nasa 40 percent na ng populasyon ang nabakunahan at United Kingdom na mahigit 30 percent ng kanilang mamamayan ang naturukan na, mangyayari din aniya ito kapag may sapat nang nabakunahan sa bansa.

Hindi naman masabi ni Vergeire kung ano ang sapat na bilang ng mababakunahan na Pilipino bago magsimulang magluwag ng quarantine protocols ang gobyerno.

Sa ngayon, wala pang pinal at pinag uusapan pang lahat kabilang ang pagbabakuna sa 30 percent ng populasyon o 50 percent ng mga nakatatanda.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: