Breaking News

Share this information:

TINIYAK ni Manila Mayor Francisco Domagoso na tatakbo siya sa eleksiyon sa susunod na taon.

Gayunman, hindi naman binanggit ng alkalde kung anong posisyon ang kanyang lalahukan sa halalan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng alkalde na abala pa ito sa pagka-mayor ng Maynila at may obligasyon pa sa mga Manilenyo.

Nais din muna niyang mag-focus at saka lamang ito magdedesisyon.

Magiging tapat din aniya siya sa mga taga Maynila at siya ay magpapaalam kung ano man ang kanyang mapagpasyahan.

Sinabi rin ng alkalde na bagamat natutuwa siya at “honored”  na siya ay nababanggit na isa sa pinagpipiliang maging susunod na presidente ng Pilipinas, siya pa rin ang magdedesisyon sa huli.

Si Domagoso ay kasalukuyang Vice Chairman ng NUP o National Unity Party 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: