Breaking News

Share this information:

NASA P58 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa limang “high-value target” (HVT) sa inilatag na buy-bust operation sa Imus Cavite.

Ikinasa ang operasyon kahapon ng  Manila Police District (MPD) Drug Enforcement Unit, sa koordinasyon ng  Philippine Drug Enforcement Agency, Cavite Provincial Police Office at Imus Municipal Police Station.

Ayon kay MPD chief Police Brigadier General Leo Francisco kinilala ang mga suspek na si Tamano Daud y Mama, 41 anyos na may dating kasong illega drugs at murder;  Ismael Daud y Gogo alyas  Intsik, 24 ;Norma Maguid y Badal, alyas  Sandra, 36 ; Bainor Maguid  y Ayunan, alyas Bai, 23 ; at Omar Redia y Ahmad,  42 anyos.

Ipinrisinta naman kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga suspek na nahaharap sa kasong  paglabag sa  Dangerous Drugs Act or Republic Act No. 9165 ang mga suspek.

Bukod dito, sinabi ni Francisco na sasampahan din ng  illegal possession of firearms and ammunition sa ilalim ng Republic Act No. 10591.

Napag-alaman na ang mga suspek ay miyembro ng Tamano Drug Group na nagdadala ng ilegal na droga sa kalakhang Maynila, Quezon City at Rizal.

Nakuha rin sa mga suspek ang ilang bari at magazine na may bala.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: