Breaking News

Share this information:

TINATAYANG aabot sa mahigit  P58 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa limang indibidwal sa isang buy-bust operation sa Imus sa lalawigan ng Cavite.

Ikinasa ang operasyon kahapon ng Manila Police District (MPD) Drug Enforcement Unit, sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Cavite Provincial Police Office (PPO) at Imus Municipal Police Station (MPS).

Ayon kay MPD chief Police Brigadier General Leo Francisco, kinilala ang mga suspek na si Tamano Daud y Mama, 41 anyos na may dating kasong tungkol sa illegal drugs at murder;  Ismael Daud y Gogo alyas Intsik, 24 anyos; Norma Maguid y Badal, alyas Sandra, 36 anyos; Bainor Maguid  y Ayunan alyas Bai, 23 anyos; at Omar Redia y Ahmad,  42 anyos.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act o Republic Act No. 9165 ang mga suspek.

Bukod dito, sinabi ni Francisco na sasampahan din ng  illegal possession of firearms and ammunition sa ilalim ng Republic Act No. 10591 ang mga suspek.

It was revealed that the suspects were members of the Tamano Drug Group distributing illegal drugs in Metro Manila, Quezon City and Rizal Province linked to Montessir Sabal,” ayon kay Francisco.

Ang mga suspek ay ipinrisinta kay Manila Mqyor Francisco Domagoso ngayong umaga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: