Breaking News

Share this information:

KUNG tungkol sa pangunahing requirement na isang cold storage facility na may temperaturang hindi bababa sa – 80’ Celsius, hindi yang magiging problema sa bayan ng Taytay.

Ayon iyan kay Taytay Mayor Joric Gacula, na nagsabing handang-handa na ang kanyang bayan sa pagdating ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Mayor Gacula na nakapagtala na sila ng higit pa sa kinakailangang temperatura para sa “proper handling” at storage ng bakunang gawa sa Estados Unidos.

Kung kapasidad lang ang magiging batayan, handing-handa na kami. Katunayan, nakapagtala kami ng -86’ Celsius — ang pinakamababang temperatura na naitala sa buong kasaysayan ng Taytay mula nang sumipa ang pandemya. Para po yan sa proper handling at storage ng bakunang paparating mula sa Pfizer,” ani Gacula.

Isa sa mga requirement ng Pfizer vaccine ang mababang temperatura upang hindi mawalan ng bisa ang mga bakuna panlaban sa COVID-19.

Natugunan namin ang hamon ng bakunang Pfizer at naisakatuparan ng mabilis sa tulong ng ating mga health care workers sa Municipal Health Office, Taytay Emergency Hospital at Department of Health,” dagdag pa ng alkalde.

Kaugnay nito, nanawagan din si Gacula ng ibayong pakikiisa, pakikipagtulungan at pang-unawa sa pagbabakuna laban sa COVID-19, kasabay ng paghikayat sa mga residente ng nasabing bayan na magpa-rehistro para sa pagbabakuna.

Pinapaalalahan din po ang lahat na huwag ipagwalang-bahala ang pagsunod sa ating health standards at health protocols,” pagtatapos ni Gacula.

Kaugnay nito, sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez na pirmado na ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng Pfizer BioNTech para sa 40 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Aniya, sisimulan ang pagdating ng mga suplay ng bakunang gawa ng Pfizer sa Agosto. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: