P2-M na shabu, nasabat ng NPD; dalawang bebot, timbog

TINATAYANG mahigit sa P2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam mula sa dalawang bebot na tulak umano ng ilegal na droga.

Naaresto ang dalawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) sa isang buy-bust operation sa Taguig City.

Kinilala ni NPD Director PBGen. Jose Hidalgo Jr. ang mga naarestong suspek na sina Halima Macalunas, alyas “Halima,” 48 anyos, may-asawa, at Ponggo Pagayao, 20 anyos, kapwa ng Cagayan de Oro St. Brgy. Maharlika, Taguig City.

Ayon kay Hidalgo, sa pamamagitan ng intelligence-driven operation ay isinagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PMaj. Amor Cerillo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCol. Renato Castillo ang planned buy-bust operation dakong alas-7 ng gabi sa Cagayan de Oro St . Brgy. Maharlika Taguig City na nagresulta sa pagkakaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 300 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P2,040,000, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 64 pirasong boodle money, eco bag at cellphone.

Ang matagumpay na operation ng DDEU ay sa pamamagitan ng patnubay at suporta ni NPD director PBGen. Hidalgo upang maiwasan ang paglaganap ng iligal na droga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.