Breaking News

Share this information:

SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos maaresto ng pulisya habang naglalaro ng cara y cruz na taya umano ay shabu sa Malabon City Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na si Rommel Cabading, 39 anyos, construction worker at Franz Gelloagan, 31 anyos, garbage trader, kapwa residente ng Brgy. Longos.

Batay sa imbestigasyon ni PMSgt, Randy Billedo, dakong alas-3:40 ng madaling araw nang respondehan ng mga operatiba ng Malabon Police Station Intelligence Section sa pangunguna ni PSSgt. Mitchum Caoy ang natanggap na report hinggil sa isang grupo na naglalaro ng cara y cruz sa kahabaan ng Hiwas St., Brgy. Longos.

Gayunman, nang mapansin ng mga nagsusugal ang presensya ng pulisya ay mabilis na nagpulasan ang mga ito sa magkakahiwalay na direksyon habang nagawang maaresto ng mga operatiba si Cabading at Gelloagan.

Nakumpiska sa mga suspek ang 3 pirasong peso coin na gamit bilang “pangara,” P600 bet money at limang transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 7 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P47,600.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 11 Article II ng RA 9165 at PD 1602.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: