BUMAHA ang mga tawag sa One Hospital Command Center (OHCC) bunsod na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega, ang nasabing mga tawag ay nagsimula sa nakaraang tatlong linggo kung saan sumirit ang mga kaso.
Aniya umaabot sa average na 250 hanggang 300 tawag kada araw ang natatanggap ng ospital.
Sinabi naman ni DOH Epidemiology Bureau director Alethea de Guzman sa isang media briefing na ang pagtaas ng tawag ay indikasyon na marami ang humihingi ng tulong medical.
Hangga’t maaari aniya ay ayaw nilang dumami pa ang mga tawag dahil nangngahulugan lamang aniya na maraming tao ang nagkakasakit ngunit positibo naman ito na marami na rin ang may kamalayan na sila ay hindi dapat nagseself-medicate.
Ang One Hospital Command ay itinatag para sa mga nangangailangan ng atensyong medikal kung saan sa pamamagitan nito ay maire-refer naman sa ibang service provider tulad ng ospital o quarantine facility at ambulansya.