4 police stations ng MPD, may COVID-19 cases na rin

BUKOD sa Manila Police Station 11 (PS-11), may apat pang istasyon ng pulisya ng Manila Police District (MPD) ang nakapagtala ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kinumpirma ito MPD Director Police Brig. General Leo Francisco na may tig-iisang pulis na rin na nagpositibo sa COVID-19 sa apat pang istasyon ng MPD.

Gayunman, tumanggi na muna si Francisco na tukuyin kung alin-aling presinto nila ang nakapagtala ng mga kaso ng impeksiyon.

Tiniyak rin ni Francisco na naka-quarantine na ang mga pulis at nakapagsagawa na rin sila ng contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng mga ito.

“Meron yung ibang apat na station pero tig-iisa lang, pero nasa quarantine na sila,” ayon kay Francisco.

Matatandaang una nang isinailalim sa tatlong araw na lockdown ang MPD-PS 11 para sa disinfection matapos na may 46 pulis nito ang magpositibo sa virus MPD police stations pa, nakapagtala na rin ng COVID-19 cases.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.