Breaking News

Share this information:

PATULOY na bumababa ang “occupancy rate” sa quarantine facilities at mga district hospitals na pinapatakbo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.

Sa datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 24% na lamang ang occupancy rate sa anim na district hospital sa lungsod o nasa 116 COVID beds ang okupado sa kabuuang 344 inilaan na COVID beds para sa mga pasyente na may severe at critical condition dahil sa sakit na COVID-19.

Nasa 4% na lamang ang occupancy rate o nasa 32 beds ang okupado sa kabuuang bilang na 870 bed capacity para sa mga asymptomatic COVID positive cases sa mga quarantine facilities sa lungsod.

Ito ay dalawang linggo matapos buksan sa publiko ang COVID-19 Field Hospital sa Rizal Park.

Sa ngayon ang naturang pasilidad ay 14 % na ang occupancy rate kung saan okupado ang 49 na kama na inilaan para sa mga pasyenteng may mild at moderate symptoms ng COVID-19 kung saan may kabuuang bilang ito na 344 COVID beds.

Samantala, nasa kabuuang 1,124 aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayon sa lungsod kung saan nangunguna ang area ng Sampaloc at Tondo 1 sa pinakamadaming naitalang aktibong kaso nito na umaabot sa parehong bilang na 214.

Nauna nang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na layon nang pagtatayo ng Manila COVID-19 Field Hospital na maging COVID free ang anim na district hospital upang matugunan ang mga pasyente na may ibang karamdaman.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: