Breaking News

Share this information:

PINAG-AARALAN ngayon ng mga eksperto ang booster shot o ikatlong dose ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa tagapagsalita ng Department of Health (DOH) na si Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kaya naman hindi pa rin aniya inirerekumenda sa publiko ang pagkuha ng “booster shot” laban sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, hindi pa anya maisusulong ng DOH ang paggamit ng booster shot dahil kailangan pang hintayin ang lahat ng mga ebidensya.

Paliwanag pa Vergeire, ang suplay ng COVID-19 vaccines ay hindi pa sapat at hindi pa nabibigyan ng bakuna ang buong populasyon sa bansa.

Nagpaalala rin si Vergeire na ang mga bakuna na mayroong emergency use authorization o EUA mula sa Food and Drug Administration (FDA) ay epektibo at ligtas na maiturok sa mga tao.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: