Graduating cadet ng PMMA sa Zambales, natagpuang patay sa restroom

Share this information:

ISA ng malamig na bangkay ng matagpuan sa loob ng restroom ang isang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales.

Batay sa nakalap na report mula sa San Narciso Municipal Police station, nakilala ang biktima na si Fourth Class Jonash Bondoc.

Si Bondoc, na nakatakdang magtapos sa susunod na taon ay nadiskubreng wala ng buhay sa restroom ng kanilang barracks sa loob ng PMMA compound pasado alas 6 ng umaga ng Martes, July 6, 2021.

Isinugod pa sa San Marcelino District Hospital si Bondoc subalit idineklara ng dead on arrival ito.

Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng graduating cadet.

Kaugnay ng insidente ay sabay-sabay na naghain ng kanilang courtesy resignation ang commandant cadets, battalion officers at company officers ng PMMA upang bigyang daan ang isasagawang impartial at mabilis na imbestigasyon ng pamunuan ng PMMA.

Nagsasagawa na rin ng sariling pagsisiyasat ang pulisya habang patuloy ang koordinasyon ng dalawang ahensya upang malaman ang katotohanan sa naging pagkamatay ni Bondoc.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.