Number coding sa Makati City, suspendido sa araw ni Gat Andres Bonifacio

SUSPENDIDO ang number coding sa lungsod ng Makati bukas, araw ng Lunes (Nobyembre 30) para sa mahalagang araw ng bayaning si Gat Andres Bonifacio.

“Please be informed that the number coding scheme will be lifted in Makati on November 30 (Monday) in observance of Bonifacio day,” saad ng advisory.

Ibinahagi ni Makati City Mayor Abby Binay sa isinagawang online Trainers Training on Government Digital Services ng the Asian load ng libre ang Makati App sa IOS and Google Play Store.

“These times demand connectivity, and we are fast-tracking our digital transformation by finding innovative ways to better serve and connect with our Makatizens.” Ayon sa alkalde.

Ang pagsasanay na dinaluhan ng 27 mga kalahok mula sa 10 mga bansang kasapi ng APO ay nagpakilala sa papel na ginagampanan ng mga digital na serbisyo at pagiging epektibo at kahusayan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko at pagkilala sa mga sistemang e-government na nagtataguyod ng kalidad ng pamamahala at pagbabago.

Sa pamamagitan ng Makatizen App ay mas mabilis na naiaabot ang serbisyo at agaran ang pagsagot sa mga pangangailangan ng mga residente, bisita o turista, mag-aaral, nagtatrabaho, at nagnenegosyo sa Makati.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.