MAKAKARANAS muli ng hindi kagandahan balita ang mga motorista kaugnay sa nagbabadyang big-time oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Base sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P1.15 hanggang P1.20 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P1.10-P1.15 sa presyo ng kerosene at P1.00-P1.10 naman sa diesel.
Ang napipintong malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Nitong Nobyembre 24, nagtaas ang oil companies ng P0.50 sa presyo ng diesel, P0.30 sa kerosene at wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina