Simula Marso 1, bawal na ang plastik sa Quezon City

BAWAL na ang paggamit ng mga plastic sa Quezon City simula sa Lunes, Marso 1, 2021.

Ito ay kasunod sa pormal na  pagpapatupad ng Quezon City government batay na rin sa kanilang ordinansa na “plastic bag ban”.

Personal na namahagi si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng mga bayong at ecobag sa mga mamimili sa Galas, Munoz, Suki, A. Bonifacio, Frisco at Kamuning markets sa lungsod.

Si Belmonte kasama si Environmental Protection and Waste Management Department head Andrea Villaroman ay  nagtungo sa mga nasabing palengke upang tiyakin na wala nang gagamit pa ng mga ‘plastic bag’ na mga mamimili at mga tindera at tindero.

Ang isinagawang aktibidad ay magsisilbing ‘kick-off event’ kaugnay sa implementasyon ng Plastic Bag Ban Ordinance ngayong   March 1, 2021,  kasabay ng selebrasyon ng Quezon City sa Women’s Month kung saan ay hinihikayat ang tungkulin ng mga kababaihan na proteksyunan ang kapaligiran at kalikasan.

Sa ilalim ng Kababaihan Para sa Kalikasan movement na may temang “Babae: Tayo ang Pagbabago,” ay hinihimok ang mga households na maging ‘pro-active’ at maging mga katalista o makiisa sa mga pagbabago sa kanilang komunidad.

We suspended the implementation of the ordinance during the pandemic para hindi po makadagdag sa uncertainty, but now we can manage the pandemic better so itinuloy na natin. Alam naman natin na plastics are one of the greatest polluters of our oceans and bodies of water, clogs our waste streams and pose health risks,” pahayag ni Belmonte.

Sa ilalim ng ordinansa, ang mga supermarkets, malls, shopping centers, fastfood restaurants at iba pang businesses na lalabag sa ‘ban’ ay pagmumultahin ng  P1,000 sa  first offense,  P3,000 at revocation ng environmental clearance sa second offense habang sa  third offense, ay revocation ng business permit at multang  P5,000.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.