Kasong graft, isinampa kontra DepEd supervisor

Share this information:

SINAMPAHAN ng kaso sa Taguig City Metropolitan Trial Court  ang isang Department of Education (DepEd) District Supervisor ng Taguig City-Pateros District ng ng kanyang kapwa supervisor dahil sa paglabag sa R.A. 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act. 

Nag-ugat ang reklamo ng pilitin umano ng isang Gng. Salome Castro ang mga punong guro sa kanyang nasasakupang cluster na binubuo ng limang mga paaralan, na magbayad ng kanyang araw-araw at personal na gastusin. 

Sa kanyang Complaint Affidavit, sinabi ng complainant na si Dr. Ellery Quintia na nagsimula ang panghihingi ni Gng. Salome ng pera nang maitalaga siya noong 2015 bilang District Supervisor at Officer In Charge ng Bagong Tanyag Elementary School Main.

Ang naturang kaso ay umiikot sa sapilitang paghingi ni Gng. Salome  ng P500 na nagsisilbing pambayad sa kanyang personal na linya ng telepono gayong binabayaran naman ito ng paaralang nasa ilalim ng kanyang pamamahala kada linggo, bukod pa rito ang  ang Load Allowance na kanyang tinatanggap sa mismong ahensyang kanyang kinabibilangan.

Ayon kay Dr. Quintia, mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng RA 3019 ang pagtanggap ng supervisor ng Load Allowance at Transportation Allowance sa dalawang opisina.

Gumagamit din umano si Gng. Salome ng service vehicle na may libreng gasolina na kapwa bigay ng local government ng Taguig pero tuloy pa rin ang paghingi niya ng gas allowance sa canteen ng Bagong Tanyag Elementary School Main at DepEd Taguig City-Pateros.

Nangangamba si Dr. Quintia  na nagbibigay-dungis sa opisinang kanilang pinaglilingkuran ang aniya ay direktang pangungurakot ng salapi ng bayan ng supervisor.

Gayundin, pinatotohanan ng ilang principal na saksi sa ginagawa ng supervisor na sila mismo ang nag-aabot ng pera sa isang Gng. Jovita Maik-Cahinding, na kapatid at sekretarya ng supervisor. Labag din umano sa katungkulan ng supervisor ang kumuha ng sariling sekretarya.

“Bilang supervisor ng DepEd, tumatanggap kami ng mga benepisyo at allowances kabilang ang transportation at load allowances mula sa Kagawaran kaya hindi marapat na gamitin ang aming posisyon para makakuha ng ganansya sa mga principal at canteen,”sabi ni Dr. Quintia.

Isang dating principal umano, si G. Juan Basco, ang nakatikim ng panghihiya, sa harap ng iba pang principal sa miting, ng supervisor na si Gng. Salome nang hindi niya bayaran dahil mahina ang kita ng kanyang canteen,  ang personal na gastusin ng inaakusahan.; ginawa rin umano ni Gng. Salome ang panghihiya upang magbigay babala at magtanim ng takot sa mga principal na susuway sa kanyang mga utos.

Samantala, sinertipikahan ng Administrative Officer IV ng DepEd na si Gng. Susana Dayanghirang  na tumanggap ng mga benepisyong Load Allowance at Transportation Allowance ang inaakusahang si Gng. Salome.

Pangalawa na si Gng. Salome sa opisyal ng DepEd Taguig City-Pateros sa sinampahan ng reklamong pang-aabuso at graft dahil sa pagkuha sa pera sa kaban ng bayan gamit ang pananakot sa mga principal. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Top government officials taking first Sinovac jabs

Sun Feb 28 , 2021
VACCINE czar Sec. Carlito Galvez, Health Secretary Francisco Duque III and presidential spokesperson Harry Roque are set to take the first jabs of the China-made CoronaVac COVID-19 vaccines from Chinese biopharma firm Sinovac, says Senator Bong Go. In a radio interview on Sunday, Go said that it was President Rodrigo […]

Follow Us

%d bloggers like this: