Isang araw bago ang nationwide “Fire Prevention” month: Annapolis tower sa Greenhills, nasunog

Share this information:

NASUNOG ang malaking bahagi ng Annapolis tower sa Greenhills sa San Juan City ngayong araw ng Linggo, isang araw bago ang takdang obserbasyon sa nationwide “Fire Prevention” month ngayong buwan ng Marso.

Batay sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas 9 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng nabanggit na gusali na matatagpuan sa Annapolis Street.

Nabatid na partikular na nasunog ang nagsisilbing restaurant ng tower.

Isang bumbero umano ang nasugatan mula sa mga nabasag na salamin ng restaurant na kinailangan pang magsuot ng breathing apparatus para makapasok dahil na rin sa sobrang kapal at itim na usok na bumabalot sa loob.

Sinasabi pa sa ulat na may ilang mga customers at residente ng high rise building ang naipit at hindi na nagawang makalabas subalit sila ay nailigtas ng mga bumbero dahil sa maagap na pagkilos.

Dakong alas 10:45 ng umaga nang ideklarang fire-under control ang sunog na umabot lamang sa ikalawang alarma. Patuloy parin ang isinasagawang pagsisiyasat ng arson investigators hinggil sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Simula Marso 1, bawal na ang plastik sa Quezon City

Sun Feb 28 , 2021
BAWAL na ang paggamit ng mga plastic sa Quezon City simula sa Lunes, Marso 1, 2021. Ito ay kasunod sa pormal na  pagpapatupad ng Quezon City government batay na rin sa kanilang ordinansa na “plastic bag ban”. Personal na namahagi si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng mga bayong at […]

Follow Us

%d bloggers like this: