NCR nasa high risk category na dahil sa COVID-19 cases

Nasa high risk category na ang National Capital Region (NCR) dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dulot ng Delta variant. 

Ayon sa Department of Health (DOH),  umakyat sa high risk category ang Metro Manila matapos makapagtala ng mahigit dalawang libong mga bagong kaso sa loob ng isang araw. 

Sa Philippine General Hospital,  ay halos puno na ang mga ICU beds at regular covid ward. 

Ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario, nakakaalarma ang pagtaas ng  bilang ng mga bata na tinatamaan ng virus na karamihan ay severe cases na kailangan ng intubation.  

Samantala, sa St. Luke’s Medical Center ay nasa 70-75% na ang occupancy rate. 

Ayon kay Dr. Benjamin Campomenas, inaasahang mapupuno ang kanilang mga hospital beds sa darating na linggo. 

Karamihan umano sa mga na-aadmit na pasyente ay hindi mga bakunado at nasa 30-50 anyos. 

Ang Metro Manila ay isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ)  simula Agosto 6-20. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.