NAMATAY dahil sa “natural cause” ang flight attendant na si Christine Dacera.
Iyan ay batay sa pagsusuri ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory.
Nakasaad sa medico legal report ng PNP, na may petsang January 11, at isinumite sa Makati Prosecutors office kahapon, nasawi ang 23 anyos na si Dacera dahil sa “ruptured aortic aneurysm” na sanhi ng mataas na blood pressure.
Gayunman, bago mangyari ito, nakaranas pa umano ng atake sa puso at hypobolemic shock si Dacera.
Dahil ditto, isinasantabi na rin ang anggulong homicide sa pagkamatay ni Dacera dahilang aortic aneurysm ay itinuturing na isang medical condition.
Ayon pa sa report, hindi magreresulta ang rape o ang drug overdose sa aneurysm.
Samantala, sinabi pa sa medico-legal report na ang dilatation o aneurysm sa aorta ni Dacera ay isang chronic condition na matagal nang nagsimula bago ito nasawi. Namatay si Dacera noong January 1, matapos itong dumalo sa new year’s eve party sa Makati City