UK variant, napigilan agad ng Calamba

Share this information:

CALAMBA CITY–Binigyang linaw ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng  Calamba, Laguna na hindi na kumalat  pa ang napabalitang UK variant.

Ayon kay Dr. Adelino Labro, head ng Calamba  City Health  Office, mabilis napigilan ang pagkalat  ng bagong UK variant.

Dahil umano ito  sa maagap na pagseself –quarantine ng mga kaanak ng pasyenteng lalaki na nasa edad 23 taong gulang at nagta-tatrabaho bilang  Radiologic Technician sa United Kingdom.

Nilinaw din nito na negatibo ito noong umuwi sa Pilipinas noon pang Disyembre 6, 2020 at matapos ang dalawang araw ay nagsimula na itong makaramdan ng mga sintomas kaya pumunta sa isang pagamutan sa Maynila at doon nagpa-swab test.

Kinumpirma ng City Health na positibo ang naging resulta nito noong Disyembre 16 at agad itong nag-quarantine ng halos isang buwan.

Nagbigay pahayag naman si Calamba City Mayor Justin Marc Chipeco na nakaalis na ng bansa noon pang January 18 ang nasabing pasyente matapos na muli itong magnegatibo sa virus.

Pinabulaanan din ng alkalde na hindi naging domestic spreader ng UK variant ang pasyente dahil sa maaga na-isolate ito ng kanyang mga kaanak.

Bago rin ianunsiyo ng pamahalaan ang pagkakaroon ng restricted  travel ban sa bansa ay doon pa  lamang napag-alaman na may UK variant ng COVID-19 ang nasabing pasyente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bren Esports reigned supreme in Mobile Legends world tilt

Wed Jan 27 , 2021
In the world of esports, the Philippines again reigned supreme. This was proven recently when Bren Esports and Smart Omega ran roughshod over other equally talented esports teams from other countries. Both esports teams performed magnificently during the Mobile Legends M2 World Championships. Bren Esports came out as world champions […]

Follow Us

%d bloggers like this: