Higit 500 Bulakenyo, tumanggap ng ayuda

Share this information:

LUNGSOD NG MALOLOS –Umabot sa 531 Bulakenyo ang pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng ayuda sa ginanap na Awarding of Burial and Assistive Devices sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kamakailan.

Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando sa pamamagitan ni Rowena Tiongson, pinuno ng Provincial Social Welfare and Development Office, ang pamamahagi ng mga sumusunod: burial assistance na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa  para sa 401 indibidwal; tulong pinansyal na P1,500 sa inihabol na nag-iisang benepisyaryo; tsekeng nagkakahalaga ng P2,500 bawat isa para sa 40 benepisyaryo ng Self Employment Assistance at iba’t ibang assistive devices kabilang ang nebulizer, blood pressure apparatus, glucometer at wheelchair para sa 39 na indibidwal.

Samantala, sa tulong ng Patrol Party-List sa pangunguna ni Congressman Jorge “Patrol” Bustos, 50 benepisyaryo ang kanilang binigyan ng tig-P3,000 bawat isa bilang food assistance.

Ani Fernando, “Ang pagkakaloob ng mga ayudang ito ay makatutulong ng malaki sa ating kapwa Bulakenyo lalo pa at di pa rin tayo tapos sa ating laban sa COVID-19. Asahan po ninyo na patuloy lamang ang Pamahalaang Panlalawigan sa paghahatid ng tulong lalo’t higit sa mga nangangailangan.”

Nag-abiso din ang gobernador na patuloy na sumunod sa ipinatutupad na minimum health standards kabilang ang pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng mga kamay at social distancing gayundin ang pananatili sa mga tahanan kung hindi naman kailangan lumabas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

"Natural death", dahilan ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera

Wed Jan 27 , 2021
NAMATAY dahil sa “natural cause” ang flight attendant na si Christine Dacera. Iyan ay batay sa pagsusuri ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory. Nakasaad sa medico legal report ng PNP, na may petsang January 11, at isinumite sa Makati Prosecutors office kahapon, nasawi ang 23 anyos na si Dacera […]

Follow Us

%d bloggers like this: