Nasa higit 2 libo muli ang mga bagong kaso ng COVID-19

Tumaas pa ang bilang ng kaso ng Coronavirus disease o COVID-19 ngayong araw matapos makapagtala ng panibagong 2,037 bagong kaso ang Department of Health (DOH).

Bilang kabuuan, nasa  578,381 na ang nagpopositibo simula nang tumama ang naturang sakit sa bansa.

Ang gumaling naman ay umabot na sa 534,351 dahil sa karagdagan pang bagong 86 recoveries.

Ang mga pumanaw naman ay nasa 12,322 na kung saan apat lamang ang nadagdag ngayong araw.

Nananatiling aktibo ang 31,708 kaso na patuloy na ginagamot sa mga pasilidad.

Ngayong March 1, mayroon lamang walong  duplicates  ang inalis sa total case counts kung saan anim rito ang recoveries.

Ang mga laboratory na bigong makapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System o CDRS ay isa na lamang .

Sa pagdating ng bakuna kontra COVID-19, sinabi ng DOH na ipagpatuloy pa rin ang wastong pagsunod sa health protocol at minimum health standards  upang maiwasan ang pagkalat ng anumang uri ng mutation o variant ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.