Nagpabakuna sa PGH, umabot na sa 125 katao

Share this information:

Umabot na sa kabuuang 125 ang bilang ng mga indibidwal na nagpaturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) sa unang araw ng pag-arangkada ng vaccination program ng pamahalaan kahapon.

Ayon kay Dr. Gerardo “Gap” Legaspi, ang director ng UP-PGH at siyang kauna-unahang official recipient ng bakuna sa Pilipinas,  labis nilang ikinalulugod na may mga nagpaturok ng CoronaVac vaccine na gawa ng Sinovac.

Ipinagmalaki pa niya na sumobra pa nga ang numero ng mga nagpabakuna, kumpara sa mga naunang bilang ng mga nagpalista dito.

Sinabi ni Legaspi na malaking bagay na may matataas na opisyal ang nagpabakuna upang mapataas ang antas ng tiwala ng mga mamamayan sa vaccination program ng pamahalaan.

Ayon naman kay Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH, ipagpapatuloy nilang muli ngayong Martes ang pagbabakuna ng kanilang healthcare workers.

Aniya, target nilang makapagbakuna ng 300 na indibidwal kada araw.

Nabatid na 1,200 ang doses ng CoronaVac na ibinigay ng Department of Health sa PGH, ngunit maaaring humingi pa sila ng dagdag na doses kung darami ang mga magpaparehistro at magpapabakuna.

Sa PGH, hindi lamang kasi mga doktor, nurses at medtech ang pwede sa COVID-19 vaccination kundi maging ang iba pang frontliners, gaya ng mga guwardiya, mga janitor at iba pang staff

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Brgy. chairman sa Bataan, suspindido ng limang buwan dahil sa pakikiapid

Mon Mar 1 , 2021
Ngayong Lunes ay opisyal nang nai-serve ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Hermosa, Bataan ang Suspension Order laban kay Punong Barangay Rolando “Rolly” Martinez ng Barangay Sumalo sa Hermosa, Bataan.  Personal na sinaksihan ni DILG Hermosa Chief Vernita La Torre ang panunumpa sa tungkulin ni Brgy. Sumalo 1st […]

Follow Us

%d bloggers like this: