Duque nagturok pero hindi nagpabakuna ng Sinovac

Share this information:

Mismong si  Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang nanguna sa  pagbabakuna sa unang recipient ng Sinovac vaccine  sa Lung Center of the Philippines  (LCP) kaninang umaga bilang hudyat  ng simula ng vaccination program ng gobyerno.

Binakunahan ng kalihim si Dra. Aileen Aniceto, pulmologist at head ng LCP  emergency room.

Matapos ma-iniksyunan si Aniceto ay sumunod naman ang 19 pang ibang health workers ng LCP.

Bagamat ilang beses din inanunsyo ni Secretary Harry Roque sa Philippine General Hospital (PGH) na nagpabakuna na si Duque, hindi naman ito naisagawa dahil mas inuna ang mga frontline medical workers.

Sa simultaneous symbolic vaccination, muling hinikayat ng kalihim  ang publiko at mga medical workers na huwag nang hintayin pa ang pagdating ng ibang bakuna kontra COVID-19.

Giit pa ng kalihim, 2.5 milyong doses na ang naiturok sa iba’t-ibang bansa gamit ang Sinovac.

Sinabi pa niya na aabot lamang sa .0005 percent ang risk o panganib na maaaring idulot ng bakuna habang kung hindi magpapabakuna ay napakataas ng risk na magkaroon ng COVID-19. 

Aniya, napakababa ang peligro ng bakuna ngunit ang benepisyo nito ay napakataas.

“Pero kabaligtaran ito sa ating risk of contracting COVID-19 not alone serious COVID cases.  Napakataas ng risk na maaaring mamatay lalo na ang mga senior citizens na may comorbodities. Ito na po ang susi ng panunumbalik ng dati nating normal na pamumuhay,” ayon kay Duque. 

Tiniyak rin niya na may indemnification ang gobyerno sa mga magpapabakuna na makakaranas ng seryosong epekto o adverse effects sa pamamagitan ng PhilHealth.

Kasama ni Duque  sa programa sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.

Hindi lamang sa  LCP isinagawa ang symbolic vaccination  kundi maging sa  ibang pagamutan tulad ng Philippine General Hospital, Veterans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (Tala Hospital), PNP General Hospital, Pasig City General Hospital, at sa V. Luna Medical Center o AFP Medical Center.

(Photo credit: pia.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Nasa higit 2 libo muli ang mga bagong kaso ng COVID-19

Mon Mar 1 , 2021
Tumaas pa ang bilang ng kaso ng Coronavirus disease o COVID-19 ngayong araw matapos makapagtala ng panibagong 2,037 bagong kaso ang Department of Health (DOH). Bilang kabuuan, nasa  578,381 na ang nagpopositibo simula nang tumama ang naturang sakit sa bansa. Ang gumaling naman ay umabot na sa 534,351 dahil sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: