Motorcycle rider, patay nang sumalpok ang pampasaherong jeep sa ospital sa Maynila

ISANG motorcycle rider ang patay habang isa pa ang sugatan matapos bumangga ang isang pampasaherong jeep sa isang ospital sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang nasawing motorcycle rider bilang si Noe Ocenar Abaigar, habang ang sugatan ay isang security guard na si Marvin Pelaez y Garcia.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng New Panaderos sa harapan ng Trinity Women and Children Hospital, Sta. Ana, Maynila.

Ayon sa pulisya, tumilapon ang rider nang mahagip ng jeep bago ito magtuloy-tuloy sa lobby ng nasabing ospital.

Hawak na ng pulisya ang driver ng jeep na si Ronaldo Fanis y Feria.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng jeep ang pa-kanlurang direksiyon sa Sta. Ana nang maplatan ng gulong ang jeep at nagpagewang-gewang dahilan para mawalan ito ng kontrol.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.