Nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Bataan ang itinuturing na Top 7 most wanted person sa Bataan kasunod ng isinagawang operasyon sa Brgy. Mulawin, sa bayan ng Orani, Bataan.
Sa ulat mula kay Police Major Christian Burgos, hepe ng CIDG Bataan, natukoy ang suspek na si Lanz Karl Bringas Cruz, 18 anyos, residente ng Brgy. Tapulao, ng nabanggit na bayan.
Ayon kay Burgos, si Lanz Karl ay Top 1 MWP sa Sibat Target Municipal Level.
Dinakip ang suspek dahil sa kasong 3 counts of sexual abuse at Acts of Lasciviousness na may kaugnayan sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Inatasan ng korte na magbayad si Cruz ng P200,000 sa isang kaso nito subalit walang piyansa sa iba pa nitong kaso kaya’t hindi rin siya pansamantalang makalalaya.