Modernisasyon ng ng Public Utility Vehicle, sagot sa suliranin sa trapiko

SUPORTADO ng NCR Consolidated Entities Cooperative and Corporation ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular 2023-013 o ang isinusulong na modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Nakasaad sa kanilang manipesto na ang mga bentahe ng isinusulong na modernisasyon partikular ang pagsali ng mga jeepney operators sa kooperatiba.

Sa isinagawang press conference ngayong Huwebes, sinabi ng nasabing samahan na panahon na upang bigyang-pagkakataon ang PUV modernization program.

Ayon pa sa manipesto, mahal nila ang mga pasahero at pagkakataon na upang mabigyan ng magandang serbisyo ang mga pasahero.

Mura lamang ang mga spare parts, magkakaroon ng proper maintenance, mabibigyan ng wastong training ang mga driver.

Maliban pa rito, mababawasan din ang trapiko na matinding suliranin ng mga local government unitt (LGU) at mabiibilis ang pag-usad ng ekonomiya.

Ito ay dahil magkakaroon ng scheduling o shifting ng biyahe ang mga driver gayundin ang paglabas ng mga unit.

Lahat anila ng unit ng kooperatiba ay may sariling GPS kaya namomonitor sa kanilang data center kung nasaan ang bawat sasakyan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.