Tatlo pang kaso ng XBB.1.5, natukoy pa sa bansa — DOH

Share this information:

SINABI ng Department of Health (DOH) na tatlo pang karagdagang kaso ng Omicron subvariant XBB.1.5 ang natukoy sa bansa kaya umabot na ang kabuuang bilang sa anim na kaso.

Local cases ang mga bagong XBB.1.5 infection batay sa pinakahuling COVID-19 biosurveillance report ng DOH.

May natukoy ding 118 bagong kaso ng Omicron subvariants.

Kabilang dito ang 60 kaso ng BA.2.3.20; 30 kaso ng XBB, walong kaso ng XBC at 20 kaso  na na-tag bilang Omicron sublineages.

Ayon sa DOH, ito ay resulta ng pinakahuling sequencing run ng Research Institute for Tropical Medicine at ng University of the Philippines – Philippine Genome Center Mindanao mula Pebrero 20 hanggang 24.

Ang karagdagang BA.2.3.20 cases, 59 ay local cases mula Regions 2, 3, 4B, 11, 12, at NCR habang isang kaso ang nasuri na returning overseas Filipino (ROF), ayon pa sa DOH.

ROF naman ang isa sa 33 na iniulat na XBB case kamakailan habang 32 ang local cases mula Regions 3, 4B, 11, 12, at Caraga, kabilang ang tatlong XBB.1.5 cases. 

Samantala, local cases din ang lahat na karagdagang XBC cases mula Regions 4B, 11, at 12.

Sa ngayon  ang BA.5 ay nananatiling dominant strain sa Pilipinas na may 12,721 kaso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.