Breaking News

Share this information:

HINULI ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang motorbanca na may lulang 125 sako ng ammonium nitrate, isang kemikal na sangkap sa paggawa ng pampasabog.

Bukod dito nakumpiska rin ang kahon-kahon ng smuggled na mga sigarilyo  sa isinagawang joint law enforcement operation ng PCG-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (PCG – BFAR) sa katubigan na sakop ng Malampaya Gas Platform.

Habang nqgpapatrolya ang BRP Cabra (MRRV-4009) sa nasabing lugar, namataan nito ang M/B Escario Express na noon ay patungo sa Malampaya Gas Platform.

Nang lapitan ng PCG, naging kahina-hinala ang bangka nang naglayag ito ng mabilis hanggang sa napigilan  ng  PCG – BFAR joint law enforcement operatives.

Kasama ang K9 unit ng PCG, nadiskubre na kemikal ang sakay ng motorbanca at mga smuggled na sigarilyo.

Natuklasan din na walang kaukulang mga dokumento ang motorbanca at nilabag ang HPCG Memorandum Circular No. 05-12 o ang “Master’s Failure to Accomplish Master’s Declaration of Safe Departure (MDSD)” at HPCG Memorandum Circular No. 07-12 o ang “Leaving Port Without PCG Clearance.”

Nilabag din ng motorbanca ang Section 2 ng Republic Act No. 9516 o ang “Unlawful Manufacture, Sales, Acquisition, Disposition, Importation o Possession of an Explosive or Incendiary Device” dahil sa kabiguan ng mga tripulante na magpakita ng lisensya para sa pag-iingat ng malaking kantidad ng ammonium nitrate.

Ngayong July 8, ang motorbanca kasama ang limang tripulante ay  nakadaong sa  El Nido Port at nasa kustodiya  ng PCG Station El Nido habang iniimbestigahan pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: