Mga residenteng nakatira malapit sa bangin sa Payatas sa lungsod ng Quezon tumangging lumikas

KUNG magagawan ng ibang paraan ay ayaw sanang umalis ng ilang mga residente sa Upper Sampaguita Extension, Barangay Payatas A sa Quezon City.

Kasunod ito ng nangyaring pagguho sa ibabang bahagi ng bangin kung saan ay isang bahay ang nasira.

Ayon kay Alfredo Abener, isa sa mga residente na nasa taas ng bangin, aabot sa mahigit tatlumpung pamilya ang maaaring maapektuhan ng planong pagpapaalis sa kanila para ilagay sa ibang relokasyon.

Sa mahigit apatnapung taon na aniya nitong paninirahan sa tabi ng bangin ay ngayon lamang nangyari na nagkaroon ng pagguho na isinisisi nila sa pagtatayo ng bahay sa ibaba ng bangin.

Hindi pa rin aniya nila nakakausap  ang kanilang barangay chairman patungkol sana sa binabalak na relokasyon pero umaasa sila na mapayagan na kahit maiurong lamang ang mga bahay na malapit na sa bangin kaysa dalhin sila sa ibang lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.