Mga nanalong partylist group, iprinoklama na ng Comelec ngayong hapon

PORMAL nang iprinoklama ang mga nominado ng mga nanalong party-list groups ngayong hapon sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City para sa 19th Congress.

Pinangunahan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia at iba pang poll commissioners ang pagprisinta ng Certificate of Proclamation sa mga nominado ng mga nagwaging party-list.

Nanguna ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) na nakakuha ng tatlong puwesto sa Kongreso matapos makalikom ng 2,111,091 na boto.

Tig-dalawang puwesto naman ang nakuha ng 1-Rider PL, Tingog, 4PS, Ako Bicol at Sagip partylist.

Tig-isang puwesto naman ang nakuha ng mga sumusunod na partylist group: 

– Ang Probinsyano

–  Uswag Ilonggo

– Tutok to Win

– CIBAC

– Senior Citizens PL

– Duterte Youth

– Agimat

– Kabataan

– Angat

– Marino

– Ako Bisaya

– Probinsyano Ako

– LPGMA

– API

– Gabriela

– CWS

– Agri

– P3PWD

– Ako Ilocano Ako

– Kusug Tausug

– An Waray

– Kalinga

– Agap

– Coop-NATCO

– Malasakit@Bayanihan

– BHW

– GP Party

– BH

– ACT Teachers

– TGP

– Bicol Saro

– Dumper PTDA

– Pinuno

– Abang Lingkod

– PBA

– OFW

– Abono

– Anakalusugan

– Kabayan

– Magsasaka

– 1-PACMAN

– APEC

– Pusong Pinoy

– TUCP

– Patrol

– Manila Teachers

– Aambis-OWWA

– Philreca

– Alona

Ang Comelec ang siya ring tumayong National Board of Canvassers sa katatapos lamang na May 9 national at local elections.

Pupunan ng 55 nanalong party-list groups ang 62 puwesto sa Kongreso.

Nauna nang sinabi ng Comelec na ang mga botohan sa Shanghai, China ay hindi na makakaapekto sa resulta at ranking ng mga nanalong party-list groups kaya isinagawa na ang kanilang proklamasyon ngayong araw.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.