Mga maling modules ng DepEd, viral sa social media

Nagpaalala ang Department of Education (DepED) sa mga guro na maghinay hinay sa pagbibigay ng mga takdang aralin kahit pa blended learning ang klase.

Ayon kay DepEd Usec. Diosdado San Antonio, ito ay dahil na rin sa reklamo ng mga magulang na nahihirapan sa mga modules ang mga estudyante.

Ani San Antonio, nag aadjust pa ang mga estudyante na posibleng makaranas na din ng labis na pagka-stress sa pag-aaral sa online classes.

Paliwanag pa ng opisyal, alinsunod sa Department Memorandum 392, dapat limitahan ang mga takdang aralin tuwing weekdays lamang at walang gagawin ang mga estudyante kapag weekends.

Nag-sorry din ang DepEd matapos mag viral ang ilang mga errors sa modules, at nangako na aayusin ang mga ito.

Kailangan na rin umanong kumuha ng mga inspector na mag susuri sa mga modules.

Sa Handang Isip, Handang bukas online briefing, sinabi pa ni San Antonio na sa ngayon, nasa 35 screenshots ng mga mali sa learning modules ang na-monitor nila.

Marami umano sa mga ito ay mali ang pagpipilian.

Ipinaliwanag naman ni San Antonio na sa 35 screenshots na na-monitor nila, 1 lang dito ang dumaaan sa Kagawaran.

Ito yung aralin na may pinapahanap na kulay sa estudyante pero wala namang kulay ang pahina.

Paglilinaw ni San Antonio, hindi naman kasi lahat ng learning modules ay nangagaling sa Central Office dahil ang iba ay nangagaling regional at division offices.

Para sa mga maling module, maglalabas ng “errata” ang kagawaran.

Samantala, pinaplano naman ng DepEd na magkaroon ng hiwalay na facebook page kung saan pwedeng i-ulat ang mga mali sa module.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.