Unti-unti nang nalalagas ang pwersa ng Abu Sayyaf Group o ASG sa Mindanao.
Sa kanyang press briefing sa Camp Crame, iniulat ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan ang pagkakaaresto sa dalawang local terrorist bunga ng maigting na operasyon.
Unang naaresto nitong Byernes, October 9, nang pinagsanib na pwersa ng Police Regional Office 9, Special Action Force at CIDG si Kadija Sadji.
Sya ay sinasabing malapit kay ASG leader Mundi Sawadjaan
Maliban dito, nahuli rin si Abdulman Sarrapudin at Jailani Aira Sakandal.
Nakuha sa kanila ang mga matataas na kalibre ng baril, granda at isang ISIS flag.
Iniulat din ni Cascolan na naaresto kahapon ng pulisya katuwang ang Western Mindanao Command sa Zamboanga City si Hassan Mohammad alys USI na senior leader ng ASG.
Sya naman ay sinasabing malapit kay Radulan Sahiron na isa ring senior leader at kasamang nagtatago ni Sawadjaan.
Si Usi ay sangkot sa kasong kidnap for ransom.
Samantala, mas paiigtingin pa ng PNP ang kanilang counter terrorism campaign sa Sulu kung saan pinaniniwalaang nagkukuta pa rin si Sawadjaan.
Naghahanda rin sila sa posibleng pagganti ng mga local terrorist dahil sa mga nahuli at nasawi na nilang kasamahan sa operasyon.