Manila Police District, National Press Club, nag-usap tungkol sa kaligtasan ng media

NAKIPAGPULONG ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa pangulo ng National Press Club (NPC) upang magkaroon ng isang dayalogo kaugnay sa kaligtasan ng mga miyembro ng media.

Ito ay matapos ng mahigpit na kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief PLt. Gen. Rodolfo Azurin Jr.  sa mga district director na magsagawa ng “Dialogue and Threat Assessment on Media Personalities” sa mga media sa kanilang nasasakupan.

Kasunod ito ng nangyaring pamamaslang sa radio commentator na si Percy Lapid sa Las Pinas City noong Lunes ng gabi.

Ayon kay NPC President Lydia Bueno, ang naturang pagpupulong ay bilang “precautionary measures” na rin para sa mga media na laging nasa panganib ang kanilang buhay sa kanilang pag-uulat ng mga balita lalo na yaong may mga death threat.

Sinabi ni Bueno na bukas ang NPC sa anumang komunikasyon sa kanila sakaling may matanggap na anumang pagbabanta sa buhay ng mga mamamahayag.

Sabi ko bukas din ang NPC sa anumang komunikasyon sa kanila sakaling may matanggap na anumang pagbabanta sa buhay ng mga kapatid natin sa pamamahayag,” sabi ng pangulo ng NPC

Lagi silang handa anumang oras at tuloy-tuloy ang kanilang pagpapatrulya kahit dis-oras ng gabi para matiyak na gising ang kanilang mga tauhan at handang tumugon sa anumang pangangailangan,” dagdag pa ni Bueno.

Pinayuhan naman ni MPD Director Brig. Gen. Andre Dizon ang kanyang mga tauhan na huwag daanin sa emosyon sakaling mabatikos ng media. 

Sinabi ni Dizon, bilang isang pulis, kaakibat nito ang salitang maximum tolerance sa lahat ng pagkakataon.

Aniya, natural sa aksyon at pagtupad sa tungkulin ng mga pulis ang mga reaksyon ng mga hindi napapaboran at nasasagasaan. 

Kaya naman dapat huwag daaanin sa emosyon kapag may batikos at sa halip ay sagutin na lamang kung ano mang mga usapin.

Sinabi rin ni Dizon kay Bueno kasama ang ilang miyembro ng Manila Police District Press Corps sa ginanap na dayalogo na magkaroon ng close coordination at ipaalam lamang agad sa kanya sakaling may mga matanggap na mga pagbabanta sa buhay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.