NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) hinggil sa paglaganap ng mga pekeng social media account sa Facebook ng mga larawan at impormasyon ng kanilang mga empleyado gamit ang official seal ng ahensiya upang mahikayat ang publiko na makipagtransaksyon sa kanila.
Ginawa ni BI Commissioner Norman Tansingco ang babala kasunod ng mga ulat na ginagamit ng mga scammers ang social media accounts kung saan nagpapanggap silang mga empleyado ng ahensiya.
“These scammers reportedly disguise as immigration lawyers and legal officers. They create profiles using photos of our employees, their badges, and even the logo of the bureau,” ayon kay Tansingco.
Kasunod nito, ipinaalala ni Tansingco sa lahat ng empleyado na makipag-transaksiyon sa labas ng pasilidad o tanggapan ng ahensiya.
“There have been reports in the past where fake social media profiles have fueled scams and have gotten people duped out of money,” ayon pa Tansingco.
Ikinadismaya rin ni Tansingco ang paglaganap ng bilang ng mga pahina ng social media. “It is illegal to assume the identity of others, more so to demand money from anyone using the government’s name,” sinabi ni Tansingco. “The BI strongly warns the public against internet acquaintances. Remain keen to avoid being victimized,” dagdag pa nito.
Nakipag-usap na rin sila sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang upuan ang isyu na nakakaapekto sa operasyon ng BI.
Pinapayuhan din niya ang publiko na tumawag sa BI hotline (02) 8465-2400, o sa BI social media page sa www.facebook.com/officialbureauofimmigration.