Laglag ang apat na drug suspects sa buy-bust operation sa Malabon at Navotas

Share this information:

KALABOSO ang kinalagpakan ng apat na suspek, kabilang ang isang lola, na hinihinalang tulak ng ilegal na droga.

Arestado ang apat sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong ala-una ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation sa Pampano St., Brgy. Longos, Malabon City.

Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa isang police na poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba sina Jessie Santos, 35 anyos, at Divino Paguio alyas “Ding,” 60 anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 3.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P23,800 at buy-bust money.

Sa Navotas naman, natimbog din ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team na pinamumunuan ni Col. Dexter Ollaging sa buy-bust operation sa Judge A. Roldan, Brgy. San Roque, Navotas City dakong alas-11 ng gabi sina Andrew Yape, 31 anyos, helper at Sandy Abrancillo, 35 anyos, tricycle driver, kapwa (listed/pusher) matapos bintahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang puseur buyer.

Nasamsam sa kanila ang aabot sa 10.4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P70,720 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.