Robredo, nagsumite na ng SOCE sa Comelec

NAGHAIN na ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ngayong araw si outgoing Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagka-presidente noong nakaraang halalan, ayon sa pinakahuling listahan na inilabas ng Comelec Campaign Finance Office.

Ang kanyang staff ang naghain ang SOCE na nakapaloob sa tatlong kahon nang dalhin ito sa tanggapan ng Comelec.

Sina Senator Panfilo Lacson at Jose Montemayor naman ay nauna nang naghain ng kanilang SOCE. Si Sen. Lacson ay nagbigay ng kanyang SOCE noong Hunyo 4 at si Montemayor naman ay noong Hunyo 6.

Inaabangan naman kung maghahain na rin ng SOCE ngayong araw o bukas si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pagdating sa vice presidential candidates, si Doc Willie Ong ang unang naghain ng kanyang SOCE, mula sa 9 na kandidato. 

Ayon sa Comelec, bukas o Hunyo 8 ang huling araw para makapagsumite ng SOCE ang mga kandidato sa national and local elections.

Kahapon, sinabi ng Comelec na higit 40 na mga kandidato, mga grupo at partido na lumahok sa halalan noong Mayo 9 ang nakagpaghain na ng SOCE.

Nauna nang ipinaalala ng poll body na ang paghahain ng SOCE ay para sa lahat ng sumabak sa halalan, nanalo man o hindi.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.