Breaking News

Share this information:

DALAWANG indibidwal, kabilang ang isang empleyado ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, ang inaresto ng mga tauhan ng NBI-International Airport Investigation Division (NBI-IAID) dahil sa kasong  Estafa at Graft and Corruption.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang mga suspek na sina Tessie Cortez Alvarez at James Villafranca Magan, na empleyado ng Muntinlupa LGU.

Inakusahan ng nagreklamo na tinanggap niya ang serbisyo ng suspek para sa pagproseso ng Fencing Permit at iba pang dokumento na kailangan umano para sa installation ng Maynilad tulad ng Excavation Permit, at Meralco para sa  Electrical Wiring Permit sa kanyang bahay sa Tunasan, Muntinlupa.

Sa kanilang kasunduan, ipoproseso  ni Alvarez ang nasabing mga dokuemnto sa lob ng dalawang linggo sa sandaling mabayaran ang hiningi nitong P43,500.

Sinasabi ring may contact ang suspek sa loob ng Engineering Office ng Muntinlupa City Hall.

Binayaran umano ang nasabing halaga pero walang naibigay na permit. Sinabi umano ni Alvarez na ang kanyang contact sa Muntinlupa City Hall na nagngangalang James Magan ay nagpapadagdag ng halagang P15,000  upang mai-release ang permit.

Bunsod nito, ipinag-utos ni Distor na magsagawa ng entrapment operation sa isang mall sa Las Pinas City kung saan magtatagpo ang complainant at suspek.

Nang mahawakan ng suspek ang envelop, dito na kumilos ang mga operatiba ng NBI at agad dinakma si Alvarez. Sa follow-up operation, naaresto rin si Magan sa South Greenheights Village sa Putatan Muntinlupa City matapos ikanta ni Alvarez na idedeliver ang nasabing halaga ng pera sa kanya. 

Aminado naman si Magan na empleyado siya bilang Project Evaluation Officer II sa Office of the City Engineer at  Building Official ng  Muntinlupa City Hall.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: