Breaking News

Share this information:

NAGTAMO ng hematoma at mga galos sa katawan ang isang lalaking nagbibisikleta nang nasagasaan ng isang driver na kapangalan umano ng anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual at nadamay pa ang gate ng isang bahay at isang nakaparadang sasakyan, sa Kawit, Cavite Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si John Mark Cabilan Sabanal na isinugod sa Binakayan Hospital dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Nasira din ang gate ng bahay ni Carlos Garin Gilhang maging ang harapang bahagi ng kanyang nakaparadang sasakyan, isang Toyota Corona Sedan na may plakang UDB 622.

Kinilala naman ang driver na sakay ng isang Ford Ranger Raptor na si Inigo Dominic Lazaro Pascual.

Sa ulat ni PCMSgt. Roldan Requioma ng Kawit Municipal Police Station (MPS), dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente kung saan minamaneho ni Pascual ang kanyang Ford Ranger Raptor patungo sa Cavite (westbound direction).

Binabagtas nito ang kahabaan ng Tirona Highway, Brgy Balsahan-Bisita, Kawit, Cavite  nang mabangga nito si Sabanal na noon ay nagbibisikleta habang binabaybay ang kaparehong lane ng sasakyan ni Pascual.

Dahil sa pangyayari, nalaglag at gumulong ang katawan ng biktima palayo sa kanyang bisikleta habang ang sasakyan ni Pascual ay umikot  pa-kanan at bumangga sa gate ng bahay ni Gilhang at nahila at tinamaan ang harapang bahagi ng kanyang nakaparadang sasakyan.

Hindi naman makumpirma kung ang artista nga na si Inigo Pascual ang nakabangga pero base sa Facebook, “Inigo Dominic Lazaro Pascual” ang buong pangalan ng singer/aktor at anak ni Piolo Pascual.na kapareho sa naka-blotter sa police report.

Maging si  PMaj. Joel Palmares, Hepe ng Kawit MPS, ay ayaw kumpirmahin na ang singer/aktor ang driver ng nasabing Ford Ranger Raptor.

Ewan ko, hindi ko naman siya kilala at hindi rin namin tinanong kung artista siya,” ayon kay PMaj. Palmares.

Dagdag pa ni Palmares na hindi naman malaking isyu kung si Pascual nga ang nakabangga. Maging ang Imbestigador na may hawak ng kaso na si Requioma ay  hindi rin makupirma kung ang aktor/singer nga ang nakabangga dahil hindi rin nito sinasagot ang mga tawag sa kanya at maging ang police station ay hindi rin sumasagot sa tawag.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: