Karagdagang bilang ng COVID-19 variant natukoy

MAY natukoy pa ang Department of Health (DOH), the University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) na mga variants nq nasequence mula sa mga samples ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa DOH, karagdagang  isang (1) P.1 variant case, 170 B.1.1.7 variant cases, 192 B.1.351 variant cases, at 19 P.3 variant cases ang natukoy mula sa dalawang  batch ng 25 samples na nasequence mula Marso 28 at  1,336 samples na nasequence naman sa pagitan ng  Marso 28 hanggang April 8.

 B.1.1.7 VARIANT CASES:

Sa karagdagang 170 B.1.1.7 variant cases, walong kaso ang Returning Overseas Filipinos (ROF), 119 ang local cases, at 43 cases ang kasalukuyang biniberipika kung local o ROF.

Base sa case line list, 2 kaso ang namatay at 168 kaso ang recovered.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.