Pinakamaraming bagong kaso ng UK at South Africa variants ng COVID-19, naitala sa NCR

Share this information:

NAITALA sa National Capital Region ang pinakamaraming bagong kaso ng B.1.1.7 o UK variant at B.1.351 o South Africa variant ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health, mula sa naiulat kahapon na dagdag na 170 UK variant – 84 ang naitala sa Metro Manila; 17 sa Cordillera Administrative Region at 16 sa CALABARZON.

Mula naman sa bagong naitalang 192 South Africa variant, 126 ay sa Metro Manila at 17 sa CALABARZON.

Samantala, mayruon ding nadagdag na pitong bagong kaso ng P.3 o ang variant under investigation na unang na-detect sa Pilipinas.

Ayon pa sa DOH, sa ngayon ay gumaling na ang 168 na pasyenteng tinamaan ng UK variant habang dalawa ang nasawi.

Naka-recover na rin ang 187 na may South Africa variant, 2 ang active cases at tatlo ang namatay.

Active case pa rin ang nag-iisang P.1 o Brazil variant habang gumaling na ang lahat ng labing-siyam na tinamaan ng P.3 variant.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Karagdagang bilang ng COVID-19 variant natukoy

Sun Apr 11 , 2021
MAY natukoy pa ang Department of Health (DOH), the University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) na mga variants nq nasequence mula sa mga samples ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ayon sa DOH, karagdagang  isang (1) P.1 variant case, 170 B.1.1.7 […]

Follow Us

%d bloggers like this: