Japan, nagpadala ng mga eksperto sa oil control para tumulong sa PCG sa oil spill operation

INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpadala ang gobyerno ng Japan ng kanilang oil control experts para tumulong  sa oil spill operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa  na ang kanilang disaster relief expert team ay nagtungo sa bansa para tumulong sa pag-alis at pagkontrol sa oil spill ayon sa PCG.

Pebrero 28 nang tuluyang lumubog ang motor tanker (MT) Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil sa bahagi ng katubigan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Ilang coastal barangay na rin ang naapektuhan at nagpakita ng mga sintomas dulot ng oil spill.

Sa nagpapatuloy na operasyon, ang PCG ay naglagay na ng oil spill boom sa lokasyon kung saan natukoy na lumubog ang motor tanker.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.