Isa patay, 11 sugatan sa IED na sumabog sa Sultan Kudarat

Share this information:

ISA ang kumpirmadong nasawi habang tinatayang nasa labing-isa naman ang nasugatan nang sumambulat ang isang improvised explosive device (IED) na itinanim sa loob ng bus sa Sultan Kudarat, Linggo ng umaga.

Nabatid mula kay Maj. Gen. Roy Galido, commander ng 6th Infantry Division (6ID), na binabagtas ng pampasaherong bus ng Yellow Bus Line (YBL) ang daan mula sa Kidapawan, North Cotabato patungong Koronadal City, South Cotabato nang biglang sumabog ang bus sa bahagi ng St. Louis Hospital sa Brgy. Isabela, Tacurong City, Sultan Kudarat.

Isa umano sa mga pasahero ang agad na nasawi habang marami sa mga sugatan ang agad nang naisugod sa pagamutan.

Sinabi ni Galido na patuloy na silang nakipag-uugnayan sa lokal na pulisya upang matukoy ang nasa likod ng pagpapasabog. Inihayag pa nito na ang kumpanya ng bus ay target na rin umano ng pangingikil ng isang grupo.

The YBL has been constantly receiving extortion messages ever since and we have been working with them. Hindi lang matyempuhan kaya siguro nagcounteract,”ani Galido.

Sa ngayon aniya ay may tinutunton nang mga posibleng motibo upang matukoy at masukol ang mga suspek.

Hopefully, we can get them soon,” dagdag nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.